“Burol na parang puting elepante”
“Napaka simpleng operation lang siya Jig, " sabi ng lalake.
" Hindi siya talagang operasyon kung tutuusin." Ang babae tuminging sa sahig at ipinahinga ang paa sa lamesa.
“Alam ko hindi mo iintindihin, Jig. Wala talaga ito. Para lang makapasok ang hangin." Wala sinabi ang babae.
“Samahan kita palagi at hindi iiwan. Kailangan lang talaga papasukin ang hangin at magiging maayos na ang lahat.”
“Ano gagawin natin pagkatapos?”
“ Magiging okay tayo pagkatapos, Parang dati lang.”
“Paano mo nasabi?”
“Ayun lang naman ang gumugulo saatin. Yun lang ang bagay na napapalungkot satin.” Tumingin ang babae sa may kurtina na gawa sa bulitas, nilabas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang dalawang kwerdas nito.
“Sa palagay mo magiging maayos na tayo at masaya?”
“Alam ko. Hindi mo kailangan matakot, Madami na akong kilala na nakagawa nito.”
“Pati ako,” sabi nang babae “Pagkatapos lahat sila naging masaya.”
“Sabagay,” sabi nang lalaki. “Pero kung ayaw mo hindi mo kailangan gawin. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero alam ko madali lang.”
“Gusto mo ba talaga?”
“Sa tingin ko ito ang pinaka magandang gawin, subalit ayaw ko gawin mo naman pag ayaw mo talaga gawin.”
“Kapag ginawa ko magiging masaya ka na at magigigng parang dati lang at mamahalin mo ako?”
“ Mahal naman kita. Alam mo naman na mahal kita.”
“Alam ko. Pero kung gagawin ko yun, edi magandang sabihing muli na ang mga bagay ay parang puting elepante, at magugustuhan mo iyon?”
“Mamahalin ko iyon. Mahal ko na ngayon ngunit hindi ko lubusang maisip. Alam mo naman ako pag nag alala.”
“Kung gagawin ko yun, hindi ka magaalala?”
“Hindi ako magaalala dahil simple lang naman yun.”
“Edi gagawin ko. Wala naman akong pakialam sa sarili ko e.”
“Anong ibig mong sabihin?” “Wala akong pakialam sa akin.”
“Pwes, may pakialam ako sayo.”
“Oo, pero wala akong pakialam sa sarili ko. Kaya gagawin ko at magiging maayos ang lahat.”
“Ayokong gawin mo kung ganiuyan ang nadarama mo.”
Tumayo ang babae at lumakad papunta sa dulo ng istasyon. Sa kabilang dulo ay ang mga puno at pananim malapit sa Evro. Sa lamayo, sa pagkatapos ng lawa, makikita ang mga bundok. Sa palayan ay dumaan ang anino ng isang ulap at nakita niya ang ilog sa pamamagitan ng mga puno.
“At makakamit natin ang lahat ng ito,” sabi ng babae. “At makakamit natin ang lahat at araw araw mas gagawin nating imposible ang lahat.”
“Anung sabi mo?”
“Ang sabi ko, pwede nating makamit ang lahat.”
“Kakayanin nating makamit ang lahat.”
“Hindi.”
“Kaya nating makamtan ang buong mundo.”
“Hindi.”
“Kaya nating pumunta kahit saan.”
“Hindi. Hindi na iyon sa atin.”
“Sa atin iyon.”
“Hindi sa atin iyon. At oras na kuhanin nila iyon, hindi na natin muling mababawi.”
“Ngunit hindi pa nila ito binabawi.”
“Mag hihintay tayo.”
“Bumalik ka na sa lilim,” sabi ng lalaki. “Hindi mo dapat iniisip yan.”
“Wala naman akong iniisip,” sabi ng babae. “May mga nalalaman lang ako.”
“Ayokong gumawa ka ng bagay na hindi mo naman ninanais”
“hindi rinyan nakabubuti sa akin,” sabi ng babae. “Alam ko. Maari bang uminum pa tayo ng beer?”
“Sige, pero kailangan mong mapagtanto.”
“Napagtanto ko na,” sabi ng babae. “Hindi ba tayo pwedeng mag usap?”
Umupo sila at tumingin na namang muli ang babae sa bundok sa may tuyong parte nglabak. Tiningnan ng lalaki ang babae, at pagkatapos, tumingin siya sa lamesa.
“Kailangan mong mapagtanto,” sabi ng lalaki. “Na ayokong gawin mo iyon kung ayaw mo. Ayos lang sa akin kung may halaga man iyon sayo.”
“Wala ba iyong halaga sa iyo? Maari tayong magkasundo.”
“Siyempre, meron. Ngunit wala na akong ninanais kung hindi ikaw. Ayoko na ng iba. Ata alam kong simple lamang iyon.”
“Oo, alam mong simple lamang iyon.” “Ayos lang na sabihin mo iyon ngunit alam ko iyon.”
“Maari ba akong humiling ng pabor sayo ngayon?”
“Gagawin ko lahat para sa iyo.”
“Maari bang maari bang maari baaaaang tumigil ka sa pagsasalita.”
Wala na siyang sinabi pa, tumingin na lamang siya sa ,ga maleta na malapit sa pader ng istasyon. Ito ay may mga pangalan ng mga tinuluyan nila noong mga kasalukuyang mga gabi.
“Ngunit ayaw kong gawin mo,” sabi niya. “Wala akong pakielam duon.”
“Sisigaw ako,” sabi ng babae.
Lumabas ang babae sa may kurtina dala dala ang dalawang baso ng beer, inilagay niya ito sa ibabaw ng basang patungan ng baso.
“Dadating ang tren sa loob ng limang minuto,” sabi niya.
“Anong sabi niya?” tanung ng babae.
“Dadating na raw ang tren sa loob ng limang minuto.”
Ngumiti ang babae sa Ale para siya’y pasalamatan.
“Dapat ko ng ilipat ang ating mga bagahe sa kabilang bahagi ng istasyon,” sabi ng lalaki. Ngumiti ang babae sa kaniya.
“Sige, pagkatapos ay bumalik ka at ubusin na natin ang beer.”
Kinuha niya ang dalawang mabigat na maleta at ito ay inilipat sa kabilang bahagi ng istasyon. Tumingin siya sa riles ngunit hindi naman niya nakita ang tren. Pag balik, lumakad siya kung saan umiinom ang mga taong nag iintay sa tren. Uminom siya ng Anis at tumingin sa mga tao. Lahat sila ay sadyang nag hihintay para sa tren. Lumagpas siya sa may kurtina. Naruon ang babae atnakaupo pa rin sa may lamesa at sa kaniya’y ngumiti.
“Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” tanung niya.
“Ayos naman ako,” sabi niya. “Wala akong problema. Maayos ako.”
No comments:
Post a Comment